Ama,
Kamusta ka na? Sigurado acong marami kang pinagkakaabalahan. Pero sana mapadaan ka dito. Madami acong gustong sabihin sa'yo.
Pasensya ka na kung hindi man lang kita mabisita. Gusto co kasi munang maging handa sa muli nating pagharap. Gusto co munang ayusin ang sarili co bago mo aco makitang muli sa tahanan mo.
Nakikita mo naman siguro na ang daming nangyayari ngayon. Ang daming mong magagandang regalo pero hindi man lang kita nagawang pasalamatan. Ang daming magagandang bagay ang dumating pero hindi man lang kita naalalang kausapin. Samantalang ikaw lang ang natatakbuhan co 'pag hindi co na mahanap ang sarili co. Kilala mo naman aco. Isang suwail na anak. Pero alam mo? Unti unti na acong nagbabago. Hindi co alam kung anong sumagi sa isip co at bigla na lang naisip co na magbago ng daan. Basta ang alam co lang ay gusto co sundan ang liwanag na nagmula sa'yo. Sana magtuloytuloy 'to. May nakikita na acong maliit na ilaw na mula sa malayo. Alam cong andoon ka at hinihintay aco. Makakarating din aco. Sana hindi na aco maligaw ulit sa landas na binabaybay co. Alam mo naman na ang daming palihis na daan. Baka kung saan saan na naman aco makarating. Pero sigurado naman aco na hindi mo aco pababayaan. Pati na rin ang mga kapatid cong kapwa co naligaw.
May nais din acong ibigay sa'yo bago co tapusin 'to. May mga naipon acong isang bugkos ng pagmamahal at alam cong galing ito sa'yo. Gusto co sanang ibalik tanda ng pasasalamat co. Sa susunod na lang ulit. Sana ay huwag kang magsawang sumubaybay at gumabay sa amin. Salamat Ama.
Nagmamahal, Anak
11 comments:
touching...
tama si aian..touching nga..naninibago lang ako sa post..actually nakakarelate kasi ako eh...peru di naman naliligaw...dumaan-daan lang siguro sa ibang kanto...
Nice....basa ka PD ng Bible pra alam mo kasagutan Nya sa yo....tc
MANIKA, KAINIS NO?KASI MAHAL TAYO NANG DYOS NGUNIT MINSAN PASAWAY TLAGA TAYO, PERO GODS LOVE S AMAZING KASI NGA KAHT MAKA ILANG ULIT TAYONG NGPASAWAY TINATANGGAP PA DN TAYO NANG BOU.
Naging open letter pa tuloy...
Amen...
Ganda ng post ah... efficient!
salamat. . now all i need is to have faith. . grabe. . nahirapan aco isulat to kasi hindi co tlga alam ang mga dapat co sabihin sa kanya. . nakakahiya. .
galing. ganyan sana dapat lahat ng tao. matutong magpasalamat sa itaas.
ok naman sya and i respect people who have god. hindi kc ako naniniwala sa dyos. wala akong dyos. atheist po ako. sana tangap nyo un dahil tangap ko din ang mga paniniwala nyo. at hindi dahil wala akong dyos ay masamang tao, at makasalanan na ako. hehe..
wala akong dyos--un lang ang simpleng kaibahan natin^_^
goodluck ..god is great ..
Post a Comment