Monday, November 10, 2008

NOON, NGAYON

Punong puno aco ng pangarap at pagmamahal. Dito co bubuohin ang buhay co. Nasa pangarap at pagmamahal ang pag-asa co. Mangangarap aco hanggang maabot co ang lahat ng ito. Magmamahal aco ng wagas at walang hanggan. Ito ang magbibigay sa akin ng ginhawa at tapang. Lilipad aco sa ibabaw ng mundo.-noon

Ayaw co nang mangarap. Ayaw co nang magmahal. Dahil dito aco nagsimulang mabigo, dahil umasa aco sa pangarap at pagmamahal. Kung tuluyan na acong hindi mangangarap, hindi co na mararamdamang bumagsak at matalo. Kung tuluyan na acong hindi magmamahal, hindi na aco muling masasaktan. Hindi na aco mahihirapan at matatakot. Hahayaan co na lang huminto ang mundo dito.-ngayon

13 comments:

PaJAY said...

manika!!!!2 pala site mo/..ano to?seryosong approach sa blogsperyo?haha......may nakita akong MARLBORO sa profile pix mo a...ayos yan!!ka brand ko ang MANIKANG PAPEL....lol...

paperdoll said...

oh yeah papajay! pang emo toh. . lol. .

lagot ka kay amor! inunahan mo sya sa based! hehe. .

mavs said...

bakeEt naman? ang sarap kayang mangarap..
ganyan lang naman tlaga ang lyf..ngayon panalo, bukas talo..
paulit-ulit lang ang cycle..depende nalang yan sa tao kung pa'no nya dalhin alinman sa dalawa..
naks! parang high lang sa katol ah..

paperdoll said...

ayan mavs! tira ka kasi ng tira ng kung ano ano eh. . meron acong bago ngayon. . tablet. . Flanax. . try mo. . lol

I am Bong said...

noon at ngayon...

thumbs up to you paperdoll! i love the logic of this post.

emotera/emotero rocks!

paperdoll said...

you love the logic o you love me? haha. . thanks bong! ;-)

RJ said...

Pilitin mong ibalik ang kahapon, yung "NOON" mo. Ikaw na nga rin yata ang may sabing bahagi talaga ng pagmamahal ang masaktan.

Mas masarap ang may minamahal, di ba?

paperdoll said...

Saka na. . pag may nakita na acong magmamahal sa akin ng totoo;-)

eMPi said...

Wow... naka-relate ako dito Papel. Pero wag mo namang isara ng tuluyan ang puso mo... Pag nagmahal ka, expect mo na masasaktan ka kasi magkakambal yon, by then, magiging stronger ka sa mga nangyayari sa yo at may matutunan ka at the same time... kaya wag mawalan ng pag-asa! tuloy lang ang buhay.... heheheh

paperdoll said...

oo naman papa marco. . wow! adviser din ah. . parang nagbabatuhan lang teo ng advice eh. . lol

Anonymous said...

Pano ba ang tune nito? Parang kanta. Cguro you'll be a good lyricist :)

Abou said...

take it easy. dont take it hard. take it easy nga e

he he

eMPi said...

hehehe... take it hard and take it easy... hahaha ano daw?