Thursday, November 6, 2008

BUKAS

Ano ang meron sa'yo?
Bakit tila minsan ay ang daming nasasabik sa pag dating mo?
Hindi mapigilang mga damdamin ay ikaw ang inaabangan.
Kaligayahang hindi matago ay ikaw ang inaasam.

Kung minsan naman ay may mga natatakot.
Kutob at kaba ay nag-aabot.
May humihiling na huwag ka ng dumating.
Ngunit bakit napakahirap mong pigilin?

Ang iba naman ay walang pakialam.

Walang nagbabago kahit ikaw ay magdaan.
Ang pag lipas mo ay hindi man lang napapansin.
Hanggang ikaw ay tuluyang mag dilim.

Ikaw ay inaasahan.
Liwanag mo ang tangan.
Tunay ngang wala kang wakas.
Ikaw na tinatawag na bukas.

13 comments:

RJ said...

Napakamakata pala ni Paperdoll!

Anonymous said...

uy wall paper ko yang pic na yan. hehe. marami kasi ang maaring mangyari bukas... :) grabeh, mukhang inspired ka magsulat mare. :)tama yan.

just.aian said...

Go paperdoll!
Go paperdoll!
Go paperdoll!
Go paperdoll!
agree ako kay rj...makata si paperdoll

ang tanging manika+papel na makata...=)

darkhorse said...

wow!...poetic PD! galing naman ng mga wordings so real and true...nice poem! very inspiring...tc

paperdoll said...

@rj

hehe. . ito ba ung tinatawag na hiden talent? wahaha

@josh

oo. . inspired aco magsulat hanggat may nagbabasa. .

@aian

hehe. . maraming makata. . aco lang ang papel. . lol

@darkhorse

ito poem na talaga. . hehe. . inspired din aco dahil sa inyo ;-)

Amorgatory said...

manika gawan mo naman me poem o, yung bukas luluhod ang mga tala,lol,,galing mo neng!!!

paperdoll said...

ahahaha! hindi co ata kaya un. . bituing walang ningning na lang. . wahha. .

Anonymous said...

ineng paper doll,
anong nakain mo? bilog ba ang buwan? gutom lang ba yan?

bwahahaha...pathetic este poetic ka pala, sige keep up...sana balang araw, gumawa ka ng libro na puro tula mo..

ako may tula for you paperdoll, here goes the haiku:

maniking walang buhay,
makinang walang humpay,
manikang walang malay,
makatang walang sablay.

abe mulong caracas said...

isang saludo sa isang makata
na bawat salitay may halong luha
pero nang mamulaklak ang salita
ang luhay ay naging muta

hahaha

nice one paperdoll....may tula rin ako on my site "parausan" ang title

kudos to you

eMPi said...

Wow! isa ka palang makata Papel...

Kung minsan naman ay may mga natatakot.
Kutob at kaba ay nag-aabot.
May humihiling na huwag ka ng dumating.
Ngunit bakit napakahirap mong pigilin?


***totoo yan... minsan nakakatakot harapin ang bukas. kulang na lang hilingin mo na sana'y wala ng bukas... awww!

hehehe

paperdoll said...

@chico

wow! talagang may tula ka para sakin ah! wala namang buhay. . buhay na buhay nga eh:D

@mulong

hehe. . salamat sa pag daan. . katakataan lang yan. . lol

paperdoll said...

@marco

oo nga. . nararamdaman co yun pag may kasalanan aco. . tapos bukas ang hatol. .lol

mavs said...

alipin ka rin pala ni pareng Balagtas ppr doll? hehe..lol