Pumasok aco sa kwarto nang may nakita acong isang babaeng umiikyak sa sulok. Natakot aco at nagulat pero nilapitan co parin s'ya at tinanong.
"Sino ka? Bakit ka umiiyak?"
Hindi co man lang naisip na buksan ang ilaw kahit nababalot ng dilim ang paligid. Hindi s'ya humarap sa akin pero nagsalita s'ya na may halong hikbi.
"Kung nakamamatay lang ang kalungkutan, marahil ay matagal na akong patay. Marahil ay matagal na acong nailibing dahil sa kalungkutang pilit cong tinatago."
Hindi n'ya sinagot ang tanong co ngunit nakaramdam aco ng awa at may kung anong kumirot dito sa puso co. Muli co s'yang tinanong at sinilip ang itsura n'ya ngunit hindi co talaga s'ya makilala.
"Ano ang problema mo? May maitutulong ba aco sa'yo?"
Lalong lumakas ang kanyang pagiyak at mas naramdaman co ang awa sa kanya. Muli s'yang nagsalita ngunit hindi parin tumitingin sa akin.
"Palayain mo co, pakawalan mo aco dito."
Hindi co s'ya maintindihan at nagtaka talaga aco sa sinabi n'ya. Pero nilapitan co s'ya at sinubukan cong hawakan ang kanyang balikat. Ngunit hindi man lang dumampi ang kamay co sa kanyang balat. Hindi co alam bakit hindi aco nakaramdam ng takot at pag-aalinlangan na s'ya ay lapitan at minabuti co na 'wag na s'yang hawakan. Ang alam co lang ay naaawa talaga sa kanya. Muli co s'yang tinanong at baka sakaling sagutin n'ya na aco o makita co man lang ang kanyang mukha.
"Ano ba ang problema? Bakit ka nandito?"
Bigla s'yang tumigil sa pag-iyak. Akala co ay okay na s'ya. At nagsalita ulit s'ya.
"Sasabog na dito. Ang bigat bigat na. Ang sakitsakit na." Habang sinusuntok ang dibdib n'ya at muling humagulgol ng iyak.
Gusto co s'ya pigilan pero parang hindi co magalaw ang kamay co na tila ayaw s'yang mahawakan. Dahan dahan namang n'yang inaangat ang ulo n'ya paharap sa akin. Pamilyar ang mukha n'ya at malapit co na s'yang makilala habang untiunti cong naaaninag ang mukha n'ya. . . . . . . at biglang nagliwanag. Pumasok ang aking ina at binuksan ang ilaw. Nagulat aco at nanlamig sa aking nakita. Dahil nasa harapan co ang isang malaking salamin.
______________________________________________________
may tag aco galing kay BURAT este BURAOT. . Esmayl yun, hindi co makuha ung pityur. hehe. Paro salamat sa'yo kahit hindi aco nanalo sa pakulo mo. hahaha. . sayang yung pera! tsktsk. .
Sunday, December 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
aba!!! gumagana na ulit ang utak ni MP ah... Mahusay!!! huhulaan ko sana kung sino siya e... hahahaha
Bakit ka umiiyak?! Ano ba ang problema mo ngayon?
Kathang-isip lang ba ito? Magaling! (,"o
@marco
onga eh. . kala co hindi natatakbo makina dito sa utak co. . lol
@RJ
uu kathang isip lang. . syempre may pagkakatulad sa nararamdaman co. hindi co talaga alam kung ano problema co. . ayoco rin isipin baka pag nalaman co hindi co kayanin. . hehe. .
haiizzzz.....
wag mong masyadong dibdibin yan neng
there are many fishes in the sea
at tenext ko na silang lahat.. hahahaha...
in fairness,,, nice entry...
ang emote ka na naman..
hindi bagat sayo.. hahahaha..
nice one.. may lalim talaga. :)
MABUHAY si MANNY!
NAMATAY si MARKY!
Mas malikot pa sa dila ko ang imahinasyon ng babaeng nasa kuwartong iyon! Aww!
p o e t i c
great! thumbs up!
sabi ko na nga ba e. x)
galing2 talaga! haiii.
lahat may problema, it a matter of how you deal with it.
aw engles? =0
Hi Friend,Very Nice Post and blog,i like your blog.AND VISIT TO MY BLOG AND DROP ME A COMMENT TOO.THANKS
http://www.googleadsensesystem.blogspot.com/
http://www.indianstamilmasalas.blogspot.com/
http://www.indianmasalamullu.blogspot.com/
at girl in the mirror ang drama naten ngayon ineng?
hehehe...
bumabalik na naman ang dating manika...
magaling-magaling...
peru masyadong emosyunal ngayon si manika ah...y kaya?
Ayus sa suspense pati ako natakot!...lol
awwww... mareng MP...
galing moh magsulat ahh... oo nga galing gumana nang imagination moh.... wow... nakakatuwa.... pero i knoe nde nakakatuwa 'ung pinagdadaanan moh..... graveh... 'la lang..... akoh naman sometimes... i cried myself to sleep... ayonz... dradrama drama akoh sa bed....
at first akala koh may iba kang nakitah na ibang tao na umiiyak... sabi koh kawawa naman... pero galing yeah may suspense... kaw palah.... see... ur a great writer as well!... nde koh dinodown sarili koh but i guess i don't write like dat... pero nabasa koh nga sa isang blogger page... itoh naman blogsphere eh isang online journal... dapat outlet para malabas ang mga sama nang loob... pero nde akoh ganon eh... nde koh magawa.... siguro ganyan dapat minsan sa third person koh sasabihin... na mukhang nde akoh may probz... hayz... honestly lately i was kinda lost sa buhay koh.... pero nde naman bumibitiw si eh...
nararamdaman koh den minsan yan... parang ang bigat bigat nang loob... na feeling koh nde na akoh makahinga.... ang sarap sarap mag open up u know... pero nde koh magawa and i guess ayaw kong gawin... ewan koh bah... kay God na lang... sa kanya koh na lang sabihin lahat.... and therapy koh right now sa blogspehre na to eh pagbabasa... at kayoh na feeling koh naging kaibigan koh na ren kahit papaano...
hayz... yeah i guess lahat tayo may pinagdadaanan... pero hey.... ups and downs ang buhay... ur not always gonna be sad.... magiging masaya ka ren... juz wait.... be patience lang sa Kanyah... lungkot papabalance lang nang buhay... He got so much things in store for you... marami pa Syang wonderful blessings sa buhay moh... for sure 'un... don't give up.. and hwag bibitiw sa Kanyah... He will never let u go eniweiz... yan den ang madalas linya koh eh.... na "God don't eve let me go... kc pag nawala kah sa buhay koh nde koh na alam san akoh pupulutin..." honestly... nde koh alam san ang buhay koh kung walah syah.... sya ang dahilan ba't humihinga pa akoh... He's an awesome God... hang in there mareng MP.... He loves you.... and He will never leave you nor forsake you... *hugz...*
GODBLESS! -di
pero nde naman bumibitiw si eh...<<< yeah i meant nde naman bumibitiw si God eh... kahit nagpupumiglas pa tayo... andon Syah... hawak pa ren ang kamay naten.... pag malungkot kah... He's also sad.... gusto Nyang bigay moh ang burdens moh sa kanyah...
'He knows every star in the sky/Every single tear that you cry/His Love is here, faithful and alive..' -The Promise, Plus One.
yeah itz a song nang plus one... one of my fave songs especially kapag i'm so down... ingatz mareng MP...
GODBLESS! -di
Post is good. Sets the tone early and sustains it. Only thing is why have a "c" in place of a "k"? Old school Spanish-Filipino translation issues ba? hehe Good one.
Post a Comment