Thursday, October 30, 2008

NAGLAHO

Ilang buwan na rin acong hindi masyadong lumalabas ng bahay. Mahirap aminin pero dahil ito sa kaisaisang taong minahal co ng totoo. Totoo dahil sa kanya co lang naramdaman ang ganitong klasing pagmamahal. Nakakulong lang aco sa kwarto. Para lang masiguradong 'di na muling magtatagpo ang aming landas. Dahil sigurado co na aco lang din ang mahihirapan.

Ang daming alaala na gusto cong ibalik. Pero kahit pilitin co ay hindi na ulit mangyayari. Nagkaroon na s'ya ng sarili n'yang buhay. Ako naman ay nan
atili sa anino ng aming nakaraan. Naubos na nga yata ang aking luha. Pilitin co mang umiyak ngayon ay hindi co na magawa. Natutunan co na ring tumawa muli. Pero hindi sapat para sabihing aco'y maligaya.

Alam cong mayroon din acong pagkakamali. Nais co sanang mabago at maitama muna ang lahat sa huling pagkakataon. Pero ang bilis nabuo ng kanyang desisyon. Ginawa co na ang dapat cong gawin. Kulang nalang lumuhod aco sa harapan n'ya para bumalik lang sa akin. Hindi co alam kung naging ganun ba aco kasama para huwag ng bigya
n muli ng pag-asa. Hindi na daw n'ya kayang ibalik ang pag-ibig na nawala na.

Nasaktan aco dahil iniwan n'ya aco. Nasaktan aco dahil alam co na nagkulang aco. Nasaktan aco dahil s'ya lang ang pinapangarap co. Marahil ay wala na acong ibang mamahalin na gaya nito.
Nahihirapan acong mabuhay ulit katulad ng dati. Halos 'di co na makuhang tumingin sa mata ng ibang tao. Hindi co alam kung hanggang kailan aco ma
nanatiling ganito.

7 comments:

Vhonne said...

waaa... ikaw ba ito rael? oi.. ano ito? EMO ka na din? may mga itinatago ka din pala eh... ayos yan...

paperdoll said...

kanyakanya gimik yan. . . hahaha. .

Amorgatory said...

omg!! lam mo ba halos di nako sumulat dun sa isa kong blog, kasi naiiiyak ako twing susulat ako, nkkrelate ako sayo manika, ive been there and i swear andun pa dn ako cguro till now, ssulat ko un ngnyari biut not now cguro sigh, shet naiyak ako prmse waaaaaaaaa!!!!

paperdoll said...

haha. . may mga ganito tayong moment eh noh? kainis. .

Amorgatory said...

kainis tlga manika as in,lol, sana nga di nlang me naginlababo taena na puso hahah..

paperdoll said...

keri lang yan. . makakakita din tayo ng higit sa daig. . hehe

Anonymous said...

sus ang timeline pareha kaayo sa akoa hahahaha animal!

dan@sigbin.com