Friday, October 31, 2008

BUHAY LARO

Ang buhay ay tunay nga na isang laro.
Kung hindi na kayang sumabay ay dapat marunong ka magtago.
Bawat isa ay may pagkakataong maging taya.
Kung mahuhuli ay ikaw naman ang bababa.
Takbo dito, takbo doon.
Sa sobrang bilis ay hindi na makuhang lumingon.
May napapagod at nahihirapan.
Mayroon ding nadadapa at nasasaktan.
May laro na para sa sarili.
Mayroon ding para sa mga kakampi.
May mga patas lumaban.
Mayroon ding sadyang magugulang.
Sa bawat laro ay may nananalo.
Pero hindi pa doon natatapos ang pag takbo.
Kinabukasan ay may bago na namang habulan.
Hindi mo alam kung uuwi kang luhaan o sugatan.
Maari din naman na bukas ikaw naman ang lamang.
Hanggang sa pag lubog ng araw ay may ngiti pang dala.
At sa kahit anong dahilan tawanan ay hindi nawawala.
Sa masayang simula,
Sa masakit na pagkadapa,
at
Sa huli may magsasabing ayawan na.

4 comments:

Vhonne said...

tara... laro tayo... naninibago ako sayo... mwuah...

paperdoll said...

hahaha. . .habulan gahasa. . wag ka manibago :-p

Vhonne said...

ano ung habulan gahasa? bagong laro? tatakbo ka habang wala k ng panty? lol...

naninibago ako sa kaemohan mo... ahaha...

paperdoll said...

hinde. . tatakbo ka tapos nakatali itlog mo. . haha. .

trptrp lsng :-P