Friday, October 31, 2008

BUHAY LARO

Ang buhay ay tunay nga na isang laro.
Kung hindi na kayang sumabay ay dapat marunong ka magtago.
Bawat isa ay may pagkakataong maging taya.
Kung mahuhuli ay ikaw naman ang bababa.
Takbo dito, takbo doon.
Sa sobrang bilis ay hindi na makuhang lumingon.
May napapagod at nahihirapan.
Mayroon ding nadadapa at nasasaktan.
May laro na para sa sarili.
Mayroon ding para sa mga kakampi.
May mga patas lumaban.
Mayroon ding sadyang magugulang.
Sa bawat laro ay may nananalo.
Pero hindi pa doon natatapos ang pag takbo.
Kinabukasan ay may bago na namang habulan.
Hindi mo alam kung uuwi kang luhaan o sugatan.
Maari din naman na bukas ikaw naman ang lamang.
Hanggang sa pag lubog ng araw ay may ngiti pang dala.
At sa kahit anong dahilan tawanan ay hindi nawawala.
Sa masayang simula,
Sa masakit na pagkadapa,
at
Sa huli may magsasabing ayawan na.

Thursday, October 30, 2008

Kung mababasa mo lang

Minahal kita ngunit kulang.
Ibinuhos co ang lahat ngunit 'di sapat.
Ang dati'y walang hanggan ay nagkaroon ng katapusan.
Hindi man matanggap, ito ang nararapat.

Hindi mabilang na pagpatak ng luha.
Hindi matapos ang sakit na nadarama.
Kahit saan lumingon ay wala ng natira.
Kahit pagtibok ng puso ay wala na.

Bukas sa pag gising co
Ikaw parin ang tanging nasa alaala co.
Dahil sa'yo huminto ang pag ikot ng mundo.
Sa pag-ibig co sa'yo nagmistulang bilanggo.

Kung maririnig mo lang.
Kung nadarama mo lang.
Paghihirap co'y ikaw lang ang dahilan.
Hanggang ngayon ang mahal co ay ikaw lamang.

NAGLAHO

Ilang buwan na rin acong hindi masyadong lumalabas ng bahay. Mahirap aminin pero dahil ito sa kaisaisang taong minahal co ng totoo. Totoo dahil sa kanya co lang naramdaman ang ganitong klasing pagmamahal. Nakakulong lang aco sa kwarto. Para lang masiguradong 'di na muling magtatagpo ang aming landas. Dahil sigurado co na aco lang din ang mahihirapan.

Ang daming alaala na gusto cong ibalik. Pero kahit pilitin co ay hindi na ulit mangyayari. Nagkaroon na s'ya ng sarili n'yang buhay. Ako naman ay nan
atili sa anino ng aming nakaraan. Naubos na nga yata ang aking luha. Pilitin co mang umiyak ngayon ay hindi co na magawa. Natutunan co na ring tumawa muli. Pero hindi sapat para sabihing aco'y maligaya.

Alam cong mayroon din acong pagkakamali. Nais co sanang mabago at maitama muna ang lahat sa huling pagkakataon. Pero ang bilis nabuo ng kanyang desisyon. Ginawa co na ang dapat cong gawin. Kulang nalang lumuhod aco sa harapan n'ya para bumalik lang sa akin. Hindi co alam kung naging ganun ba aco kasama para huwag ng bigya
n muli ng pag-asa. Hindi na daw n'ya kayang ibalik ang pag-ibig na nawala na.

Nasaktan aco dahil iniwan n'ya aco. Nasaktan aco dahil alam co na nagkulang aco. Nasaktan aco dahil s'ya lang ang pinapangarap co. Marahil ay wala na acong ibang mamahalin na gaya nito.
Nahihirapan acong mabuhay ulit katulad ng dati. Halos 'di co na makuhang tumingin sa mata ng ibang tao. Hindi co alam kung hanggang kailan aco ma
nanatiling ganito.