Kapag sobra tayong nasasaktan marami tayong nakakalimutan. Madalas dito ay ang sarili natin. Nasasaktan sa iba't ibang dahilan. Iba't iba rin ang paraan kung paano natin ito itago o ilabas. Kung madalas nagrereklamo tayo at isinisisi sa iba ang nararamdaman nating sakit. Hindi natin maamin na isa din tayo sa may kasalanan kung bakit ganito ang nararamdaman natin. Kaya sa huli ang sakit ay nagiging galit. Galit na posible na naman pagmulan ng panibagong sakit. Kung minsan naman ay nagiging takot. Takot na pumipigil sa ating gumalaw at mabuhay ng normal. Tumingin tayo sa paligid. Alam natin na hindi lang tayo ang nasasaktan. Lahat ng tao nasasaktan. Ang iba hindi natin maririnig na nagrereklamo kahit alam naman natin na mas nasasaktan sila pero nagbubulagbulagan tayo. Hindi natin nakikita o posibleng ayaw din nating tingnan dahil minsan nagiging makasarili tayo.
Gusto co rin makita ng mundo na nasasaktan aco. Pero hindi obligasyon ng mundo na protektahan aco. Wala na acong magagawa para umiwas, kaya kailangan co na harapin ang katotohanan na tao lang aco.